Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NFL GOAT nilait sa iPhone6+ na gamit

0 226

Noong Lunes ang 43rd birthday ni Tom Brady, isa sa pinakamatinding quarterbacks sa kasaysayan ng National Football League (NFL).

Unang kaarawan niya sa Tampa Bay Buccaneers, nag-iisang team niya bukod sa New England Patriots.

Anim na Super Bowl ring sa nine appearance, kumita si Brady ng higit $235M (P11.5B) sa 20-year career. May nakalinya pang $50M (P2.4B) sa two-year contract niya sa Bucs.

Nasa kanya na lahat ng pinakabagong gadgets na mabibili?

Hindi rin.

Isang fan ang nakapansin sa maliit na detalye mula sa Instagram story ni Brady.

Binilugan ang “Tom Brady’s iPhone6+” sa screen cap na kuha sa loob ng sasakyan ni Brady, nagpapatugtog mula sa kanyang telepono.

Ang pinagdedebatehan ng mga Amerikanong GOAT ng NFL, naka-iPhone 6 pa rin?

Anim na taon na mula nang ilabas ang iPhone6.

Inalaska sa Twitter si Brady.

“Man if only Kraft had given Brady a new iPhone 11 we’d still have the GOAT,” komento ng isang obvious na New England fan, patungkol kay Patriots owner Robert Kraft.

“Tom Brady still uses an iPhone 6 I see why he needed that Tampa contract that man is down bad,” hirit ng isa.

Hindi naman napikon si Brady:

“Thank you for the bday wishes!! Might treat myself to a new iPhone this year…”

iPhone 11 agad? O dadaan muna sa iPhone 7, 8, o X? (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.