Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NFT-ELCAC walang kontrol sa BDP budget – Esperon

0 48

TALIWAS sa sinasabi ng oposisyon, naninindigan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC) na wala itong kontrol sa pondong laan sa Barangay Development Program (BDP).

Ayon kay National Security Adviser at NTF-ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon Jr., ang bilyong pondo ng BDP ay hindi hawak ng grupo. Kasama aniya ito sa pondo ng ibang ahensiya ng pamahalaan na naatasang magsagawa ng mga proyekto sa barangay gaya ng farm-to-market road, school buildings at livelihood projects.

“The NTF-ELCAC does not, in any circumstances, control nor manipulate the funds appropriated for the BDP. Rather, the NTF-ELCAC is responsible for harmonizing and coordinating the efforts both on the national and local level,” ayon kay Esperon.

Sa ilalim ng 2022 national budget, ang BDP na itinuturing na flagship project ng Duterte administration, ay makakakuha ng P28.1B o mas mataas ng P11.66 bilyon kaysa sa pondo ngayong 2021.

SM food to go Banner Ad

Mula sa 822 nitong 2021, aabot na sa 1,404 barangay ang isasama sa BDP. Bawat isa ay mabibigyan ng mga proyekto na hindi lalagpas sa P20M. Ang mga barangay na ito ay itinuturing na malaya na mula sa impluwensiya ng rebeldeng CPP at NPA. Karamihan sa naidagdag ay mula sa Bicol, CARAGA at Eastern Visayas.

Ipinaliwanag ni Esperon na ang trabaho lang ng NTF-ELCAC ay i-monitor kung ang mga proyektong inihain ay naisasagawa ng tama at nasa oras. Nilinaw din ni Esperon na walang palakasan sa pagpili ng barangay dahil dumaan ang mga ito sa mahabang proseso.

Hanggang nitong Setyembre 3, umaabot na sa 99.3% ng pondo para sa BDP na ang nailalabas ng DBM na direktang ibinigay sa bawat probinsiya at siyudad na sumasakop sa barangay.

Sinabi din ni Esperon na maliban sa NTF-ELCAC, ang DILG din ang naatasang mag-monitor sa mga proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.