Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ng una pamilya bago laro

0 235

Family first!

Ito ang rason ni Premier Volleyball League (PVL) star Manila ‘Illa’ Santos-Ng kaya nagpa-excuse muna sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna sa May 30.

Ready na siyang maglaro pero nitong huling linggo ‘di siya pinayagan ng kanyang big boss, ang lalaki niyang anak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Last year, around second week of December, tumawag na ‘yong management to renew our contracts. That time may rumors na rin na magkaka-bubble. Hindi na ko nagdalawang-isip because alam ninyo naman, one of the reasons na bumalik ako is because of my son. He wants to see me play,” kuwento ng veteran volleybelle, Miyerkoles sa Off The Record.

“Tapos in-explain ko sa kanya (anak), ‘What if next season is in a bubble?’ Sabi niya, ‘Capital N-O, no! I will talk to them dahil hindi kita papayagan.”

Dahil priority ang pamilya, nitong Marso 23, nag-abiso ang former La Salle Lady Spiker na hindi muna lumahok sa liga para sa Choco Mucho. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.