Abante Tonite Interactive

Ngalngal ni Mystica, dinededma

By
76

FEATURED ang ­latest episode sa buhay ni Mystica sa isang news program at tila patuloy pa rin at walang tigil na putukan ang kanyang pangangalampag at lamentations sa social media.

Ang nakakaloka sa lahat, after all her pagngalngal at pagsusumamo, parang the balana, dabarkads at madlang pipol are not buying her emotada encarnacion at dramarama.

Falling on deaf ears ba ang kanyang pleas for arms and ­mercy?

Parang walang naniniwala, huh?!

Halos lahat, wait and see muna. Para bang hindi kumbinsido ang mga manonood at mambabasa na this time, for real na ang mga pangyayari sa buhay ni Mystica.

Lahat ay tila in a state of wah care and fully employed ang Art of Dead Ma.

Walang gustong mag-all out na tumulong agad-agad. Walang call for fund raising.

Walang gustong magbayanihan para sa kaunlaran at kaayusan ni Mystica.

Wala ba siyang kaibigan sa showbiz?

‘Yung mga pralala at piranha writers na malapit sa kanya, nasaan?

Ang mga kamag-anak na pwedeng tumustos lalo na’t ang pang-unawa at tulong ang ipinagmamaramot sa kanya, asan sila?

Ang studlet na jowa, anong help aside from emotional support ang binibigay?

Ang imahe niya bang Ms. Best in Payanig at Ms. Best in Paandar ang dahilan kaya nobody wants to believe her?

Is Mystica like the girl who cried WOLF at ngayong ang mga real life lobo ay sagpang-sagpang na siya, bakit parang ang reaksyon of the people ay she deserves what is happening to her?

Mas marami pa yata na amazing aloha for them ang MAGDUSA KA phase sa buhay ni Mystica.

Marami rin ang hindi nanalig na naghihirap na siya at walang-wala.

Kahit pa ­siguro ipabasa ni ­Mystia ang medical ­abstract niya na siya nga ay indeed in great health distress, ang mga kilay of those who managed to read it, tataas lang at they will conclude na ‘mahusay na scriptwriter’ si Mystica.

Poor, unfortunate Mystica.

Sana, one of these days, may tumulong na sa iyo.

Huwag ka sanang maging sorry reminder of the ka­sabihan na kung ano ang iyong tinanim, siya mo ring aanihin.