Abante Tonite Interactive

Ngayong Pasko you can fly with your dogs!

250

Hello mga PETmalu!

Noong isang linggo nagpalabas ng paalala ang Philippine Airlines tungkol sa kanilang pet policy. Maaari niyong isama sa loob ng airplane cabin ang inyong doggy kung siya ay isang service dog o emotional support dog.

Magandang balita po ito dahil mas masaya siyempre kung katabi niyo si doggy sa erop­lano! At dahil mara­ming Pilipino ang magbabakasyon ngayong dara­ting na Pasko, napapanahon ang reminder ng PAL.

Ano ba ang service dog at ang emotional support dog?

Ang service dog ay isang aso na dumaan sa pagsasanay para tumulong sa isang taong may kapansanan tulad ng bulag, bingi, epileptic, diabetic atbp. Kailangan may certificate na nagpapatunay na dumaan ang aso sa special training. Ang ser­vice dog ay hindi pet; ang turing sa kanila ay ‘wor­king dogs’. Unfortunately, walang service dog training sa Pilipinas.

Ang emotional support dog naman ay isang asong nagbibigay ng comfort sa isang taong may emotio­nal o mental disability tulad ng anxiety, depression, phobia atbp. May mga tao kasing nagkakaroon ng pa­nic attack sa loob ng erop­lano pero dahil kasama nila ang kanilang aso, ito ay nagdudulot ng calming effect sa kanila. Totoo po na nakakabawas ng stress ang mga aso!

Malaking tulong din ang mga emotional support dog sa pagpapataas ng confidence level ng mga batang autistic. Magiging mas maaliwalas ang biyahe para sa isang autistic kapag may kasama siyang emotional support dog.

Mahal ba ang bayad? Depende po iyon sa bigat ng inyong aso dahil sila ay itinutu­ring ‘excess baggage’ ng airline. Kontakin niyo po ang PAL para sa mga detalye.

Mga paalala bago bumiyahe na kasama si Bantay:
Una, mag-research. Tumawag muna sa PAL mga 3-6 buwan bago ang target date of departure. Baka kasi may mga qua­rantine requirement ang transit airport at destination country.

Dapat kumpleto ang bakuna at may permit ang aso na galing sa Philippine Bureau of Animal Industry sa Quezon City.

Siguraduhing may basic obedience training si doggy.

Kapag service dog dapat may documentation ang training ng aso.

Alalahanin na ang service dogs ay pinapayagan lamang ng PAL sa mga flight na papunta at pabalik ng Pilipinas at US.

Kung emotional support dog dapat mayroon kang official medical letter mula sa isang licensed psychiatrist/doktor na ipinapaliwanag ang inyong mental disabi­lity at isinasaad na kaila­ngan mo ng companion dog.

Sa kasalukuyan, aso lang ang pet na tinatanggap ng PAL sa loob ng cabin.

Happy travels!
Nagmamahal,

Joyce

Photos courtesy of blogger @AdamFrancisco
Instagram: @adamfrancisco
Blog: befreemysheeple.com
Dog Models: Flex and Raindrop