Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NGCP pinalakas kuryente sa Mindanao

0 205

Inarangkada na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Toril-Bunawan 230kV transmission line nito, ang huling component sa kanilang P7.09 bilyong Mindanao 230 kiloVolt (kV) backbone project.

Ang proyekto ang magsisiguro ng tuloy-tuloy na paghahatid ng kuryente sa buong Mindanao.

Kokonekta ang Mindanao backbone project ng bulk generation mula sa hilaga at timog na bahagi ng rehiyon at titiyakin ang matatag at tuluy-tuloy na kuryente mula sa Lanao del Norte hanggang sa Davao del Sur.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga generating facility na kokonekta sa linya ay ang GNPower Kauswagan Clean Coal-Fired Power Plant, Therma South Incorporated Power Plant at San Miguel Consolidated Power Corporation, na may kabuuang pinagsamang kapasidad na 1,440MW.

“With this completion, the line will supplement the existing Davao-Toril-Matanao 138kV transmission line in transmitting any and all available and incoming generation, ensuring transmission service reliability for the entire region,” saad ng NGCP.

Maliban doon, mahalagang bahagi ang Mindanao 230kV Backbone project ng Mindanao-Visayas Interconnection Project ng NGCP na magli-link sa Visayas at Mindanao.

“The Mindanao Backbone is critical to the MVIP because through this project, the new transmission line will accommodate the capacities needed to fully support and utilize the capabilities of the interconnection,” dagdag ng kompanya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.