Abante Tonite Interactive

Ngipin at beauty pageant

264

Dear Dream Catcher

Magandang umaga po, kakagising ko lang po at nais kong ikuwento ang naging laman ng panaginip ko. Gusto ko pong itanong kung bakit doon sa panaginip ko, dikit na dikit ang mga ngipin ko dahilan na hindi ako makapagsalita nang maayos sa kausap ko? At kasali rin po ako sa beauty contest na kung saan nang ako na ang rumarampa, marami ang humihiyaw. Ano po ba meaning non? Wil­ling to wait for your reply po.

Ms O

Dear Ms. O

Ang panaginip tungkol sa ngi­pin ay sumisimbolo sa lakas. Sa iyong panaginip, nagkadikit-dikit ang ngi­pin mo kaya nahirapan kang magsa­lita. Sa aktuwal na buhay, nararamdaman mo bang wala kang lakas ng loob na gawin o sabihin ang gusto mo?

Ang panaginip mo na nagdikit ang iyong mga ngipin ay nagpapakita na tila iginagapos mo ang iyong sarili, pinipigilan mo ang iyong kagustuhan para sabihin mo o gawin ang isang bagay. Maaaring may gusto kang sabihin pero masyado mong iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa sasabihin mo kaya kadalasang pinipili mo na lamang manahimik.

Ang panaginip naman na tungkol sa pagsali sa isang beauty pageant ay may kaparehong mensahe: Masyado mong binibigyan ng importansya ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo.

Maaaring sa aktuwal na buhay, daig mo pa ang isang kandidata sa isang beauty pageant dahil tingin mo ay inoobserbahan ng mga tao ang bawat kilos mo.

Kung ikokonek mo ang ngipin mong nagkadikit-dikit at ang pagsalang mo sa beauty contest, makikita mong meron kang pinagdaraanang anxiety dahil masyado kang nagpapaapekto sa mga tao sa iyong paligid.

Ang bahagi naman ng iyong pa­naginip kung saan marami ang nag-cheer sa iyo nang ikaw na ang rumarampa ay puwede mong ituring na wishful thinking—ito ang gusto mong laging nangyayari sa iyo. Gusto mo ng approval ng lahat.
Gusto mong mapasaya ang mga tao sa paligid mo kahit ang kapalit nito ay hindi ka na nagpapakatotoo sa mga tunay mong kagustuhan.

Sa kabuuan, ipinapaalala ng iyong panaginip na kailangan mong maging mas assertive. Alalahaning magiging masaya ka lamang kung ikaw at hindi ang mga tao sa pali­gid mo ang may hawak ng kontrol ng iyong buhay.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.