Abante Tonite Interactive

Nguyen tinik kay Belingon sa ONE interim bantam crown

By
2,171

Headline si Kevin ‘The Silencer’ Beli­ngon ng Team Lakay sa ONE: Reign of Kings mamayang gabi sa MOA Arena.

Makikipagtagisan ng lakas ng kamao si Beli­ngon kay two-division world champion Martin ‘The Situ-Asian’ Nguyen ng Australia sa main event ng bakbakan para pag-agawan ang ONE interim bantamweight world championship, at ang karapatan para hamunin si reigning titleholder Bibiano Fernandes ng Brazil.

Sa co-main event, balugbugan sina Shinya ‘Tobikan Judan’ Aoki (40-8) ng Tokyo at Shannon ‘OneShin’ Wiratchai (9-2) ng Thailand sa lightweight division.

Haharapin ni Renzo Gracie (13-7-1) ng Brazil si veteran Yuki Kondo (60-34-9) ng Japan sa bakbakan ng dalawang alamat ng cage.

Papagitna rin sa three-round lightweight contest sina da­ting lightweight world champion Eduard ‘Landslide’ Folayang (19-6) ng Baguio City at Aziz Pahrudinov (20-0-1) ng Russia.

Pareho nang hand­a sa showdown sina Belingon at Nguyen, kapwa kilalang matin­ding mga finisher.

“Eto na ang pinakamalaking laban ng career ko,” ani Belingo­n (18-5). “Lahat ng pi­naghirapan ko sa gym, pinaghirapan namin ng teammates ko sa Team Lakay, ito na ang bunga.”

Malaking bagay sa career ng Baguio City native kapag tinalo si Nguyen na hari ng featherweight at lightweight divisions.