Abante Tonite Interactive

NHA pangarap ang semis

292

Mga laro ngayon: (Paco Arena, Maynila)
3 p.m. – Agriculture vs Judiciary
4:30 p.m. – NHA vs PITC

Susubukang kunin ng National Housing Authority (NHA) ang 3rd semis berth pagtapat sa Philippine International Trading Corporation sa quarterfinal round ng 8th UNTV 2019-2020 ngayon sa Paco Arena sa Maynila.

Inakyat ng Builders ang record sa 7-3 tapos pabagsakin ang Judiciary Magis, 67-59, nitong Linggo habang ang PITC Global Traders ay nag-6-4 kartada nang nguyain ang DA Food Master, 74-61, nang araw ring iyon.

Magtatapat ang NHA at PITC sa alas-4:30 nang hapon, makaraan ang alas-tres nang hapong pagkikita ng Food Master at Magis na nais pa ring makahabol sa semis sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Ang top 2 placers na sa natitirang rounds ang magdadala sa kanila sa semis berth at makakalaban ang naghigintay na No. 1 seed na AFP Cavaliers at No. 2 DENR Warriors. (ADE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad