Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ni-rape 4 anak, tigok sa pulis

0 974

Nasagip ang apat na magkakapatid na menor de edad sa kamay ng kanilang tatay na rapist matapos ang isinagawang joint operation ng pulisya at sundalo, Sabado ng umaga sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur.

Imbes na mapayapang sumuko ang suspek na si Benong Tomobo Zamora Jr., 42, ay napatay ito sa operasyon matapos sugurin ng itak ang isa sa mga sundalo na kasama sa pag-aresto dahilan upang barilin siya ng kasamahan nito.

Sa ulat na ipinadala ni PCapt. Edwin Duco, ika-6:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang tauhan ng Mahayag Municipal Police Station (MPS) at 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army laban sa suspek at magtungo sa bahay nito sa Purok 7, Barangay Paraiso ng nabatid na bayan.

Sinasabing pumalag ito sa mga awtoridad at inatake pa si TSgt. Bienvenido P. Fernandez Jr, bitbit ang itak pero nailagan ng sundalo kaya nagpagulong-gulong sila sa mabundok na lugar at nag-agawan sa itak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang makatiyempo ang sundalo ay hinugot ang service firearm at binaril sa dibdib ang suspek.

Ang bangkay ng suspek ay pormal na dinala sa barangay habang ang mga nasagip na apat na menor de edad na mga dalagita ay dinala naman sa municipal DSWD.

Napag-alaman na ang lugar ay liblib at wala ring signal kaya agad na nagsibaba ang awtoridad dahil NPA infested din ang lugar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.