Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ni-rescue 2 anak sa sunog, mag-iina tigok

0 122

TATLONG mag-iina ang namatay habang sugatan ang isa pa sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Taguig City.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, nangyari ito sa Bagong Calzada sa Tipas nang saklolohan umano ng ginang na si Ive Bere, 33-anyos ang mga anak na sina Chris Vyngird Mata, 4 at Christ Jhyvien Mata, 3 taong gulang sa nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga.

Ayon sa BFP Taguig nagmula ang sunog mula sa ikalawang palapag ng bahay ng nasugatan na si Abdulah Delos Santos.

Lumalabas sa ulat na nagawa pa ng ginang na mailigtas ang 4 buwang anak at iniwan sa kaanak bago binalikan ang naiwanang dalawa pang supling.

Hindi na nakalabas ng natutupok na bahay ang ginang kasama ang dalawang anak.

Nasa P350,000 ang halaga ng natupok ng apoy kung saan ay nasa 50 kabahayan ang iniulat na nasunog.

Sinasabing gawa sa light materials ang karamihan sa bahay sa nasabing barangay dahilan upang mabilis itong kumalat. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.