Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nichkhun 45K ang nag-share sa tweet

0 464

Pinuri ng mga Thai netizen si Nichkhun , miyembro ng South Korean boy band na 2PM. Si Nichkhun ay isang singer, songwriter, rapper, actor na Thai-American pero naka-base sa South Korea.

Lumaki sa Thailand si Nichkhun pero ipinanganak siya sa America. Binigyan siya ng nickname na “Thai Prince” sa South Korea dahil galing ito sa mayamang pamilya.

Nandoon pa rin ang concern ni Nichkhun sa Thailand. At nag-post nga ito ng kanyang message bilang suporta sa mga nag-protesta ng pro-democracy sa naturang bansa.

Kamakailan kasi, lumabas sa media na nagre-resort na umano sa violence ang Thai government laban sa mga protesters.

Sa tweet ni Nichkhun, sinasabi nitong hindi niya sinusuportahan ang anumang uri ng violence.

“No violence whatsoever helps in the process and that one should not stand by and watch the violence unfold.”

Dugtong pa niya, “I wish everyone to take care of themselvesand to remain safe.”

May 6.9 million followers si Nichkhun .Ang naturang tweet niya ay umabot na sa 45,000 shares. Karamihan sa mga netizen ay pinuri ang idol sa kanyang stand at mensahe against violence.

At ilan sa mga comment, “We support Nichkhun and his ideas”

“We hope that Nichkhun’s influence on social media brings peace!”

“A good example of the use of social media for democratic expression”

“Similar incidents like these happen all around the world…we hope that many others can also receive encouragement from this tweet”

“I like how he voices his opinions even from afar”

Leave A Reply

Your email address will not be published.