Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nichol namayagpag sa cycling

0 77

Pinamayagpagan nina Nichol Pareja ang men’s elite class at Jonel Carcueva ang men’s under-23 category ng PhilCycling National Championships 2022 road race noong Biyernes sa Tagaytay City, Cavite na sinalihan ng 123 siklista.

“Nang makakita ako ng pagkakataon, hindi ko na pinabayaan,” bulalas ni Pareja ng 7-Eleven Roadbike Philippines, tinapos ang 137-kilometrong karera paalis at pabalik sa Praying Hands Monument sa tatlong oras, 19 minuto at 54 segundo.

SM food to go Banner Ad

Ang kasamahan niyang nahuli ng 14 na saglit sa kanyang clocking na si Marcelo Felipe ang pumangalawa, at pumangatlo si Jhon Mark Camingao ng Philippine Navy-Standard Insurance sa event na inorganisa ni Philippine Olympic Committee/PhilCycling president at Cavite 8th Dist. Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Binasbasan ng International Cycling Union ang padyakan at mga sinuportahan ng Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Smart Chooks-to-Go, San Miguel Corp., Petron, Le Tour de Filipinas-Air21-One LGC, Tagaytay City, Go For Gold, Cavite’s First District, Batangas First District, Batangas ay Philippine National Police. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.