Abante Tonite Interactive

Nick, 2 pa patok sa COTY series

333

Larga na ang first leg 7-cock derby ng 2020 LGBA Cocker of the Year race ngayong Araw ng mga Puso sa Pasay City Cockpit.

Sasali sa Pebrero 21 ang ilang mga kasapi ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) sa event na ito na Peb. 28 ang 4-cock finals.

Ang solong kampeon sa National Cockers Alliance (NCA) nitong Peb. 4 na si sabong idol Patrick Antonio ang liyamado sa derbing mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Pinapaboran din ang mga manok nina LGBA president Nick Crisostomo, Honey Yu, Jun Sevilla, Arman Santos, Gerry Escalona, Zaldy Austria, Hector Magpantay, Ronnel Pasia, Gerald Go, Dennis Lumpay, Jimmy Junsay, Noel Cosico, Rey Magbuhos, Willard Ty, Toto Gregore, Edward Madlambayan at Dax Ganzon.

Magsusubi ng P500,000 at silver cup ang 2020 COTY winner.

“The COTY series is exclusive to LGBA members only. For other gamefowl breeders, please prepare for the Luzon Breeder Cup (early bird stagfest) which starts on July 6,” pahayag Huwebes ni Crisostomo.

Kontakin sina Eri­ca at Ace sa 0945 4917474, 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750 para sa iba pang mga detalye. (Enjel Manato)