Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nick kasado na ang 2 album

0 120

Nagkaroon ng Kumu mediacon ang tinaguriang Total International Entertainer na si Nick Vera Perez.

Ito’y may kinalaman sa kanyang dalawang album na NVP1.0: NVP 1s More na ire-release sa August- early September . Ang kanyang Christmas album naman ay ilalabas sa November 30. Ito’y pinamagatang Our Christmas, The Most Wonderful Time of The Year!

Sosyal ang kanyang recording dahil sa CRC legendary Sound niya ito ginawa. Dito nag-record ang mga sikat na international singers gaya nina Lady Gaga, Rihanna, Boys Two Men, Michael Jackson atbp.

Kahanga-hanga ang magaling na singer dahil kahit pandemya ay nakatapos siya ng album.

“NVP 1.0 has 12 songs. Music and lyrics by Adonis Tabanda.Loyalist ako, eh. I stick to one. I contacted him for 10 albums.

“Itong album, nakatutok sa mga love songs. Mixed ito ng English at Tagalog songs. Nakatutok sa mga…be strong this time, huwag kang patatalo. “Laban Lang Tayo! This song is for the pandemic,”lahad ni Nick

“Yung Christmas album ko naman, composed of 10 songs Apat dito ay revivals,including I’ll Be Home For Christmas,”kuwento pa niya.

Plano rin niyang mag-Pasko sa Pinas ngayong December. Ilang taon na rin na hindi niya naranasan na magdiwang ng Kapaskuhan sa sarili niyang bayan.

Balak din niyang magkaroon ng concert sa isang hotel at reunion ng kanyang NVP Angels.

Anyway, tuloy ang diskarte ni Nick kahit pandemya. Push lahat ang kanyang mga proyekto.

“I believe everything is in the mind. Pinakamahirap na kalaban is utak And then hindi mo rin naman puwedeng sabihin na kahit gaano ka ka-positive sa nangyayari, ako I’m a positive person, pero dumaan ako sa hindi naman depresyon kasi a depression is already a diagnosis. Dumaan ako sa mga araw na wala akong ganang mag-taping,kumanta as in gusto ko lang humiga ako sa kama. Parang nawalan ako ng gana sa buhay.

“Then yung mga angels ko(NVP) lalo na si Olive, lagi akong sinasabihan na do not give up for us, mga ganon ba na, we need you. Ang daming mga messages na parang minsan oo nga bat ako palaging nagsasabi na I lift people up and then I cannot lift myself. ‘Yun ang mga inspiration, ” bulalas ni NVP.

Bagamat registered nurse siya, hindi niya tinatakwil ng musika.First love niya ito kaya binalikan niya. Sinunod lang niya ang kagustuhan ng mga magulang niya.

Matulungin din siya kaya nagustuhan na rin niya ang nursing.

“Kasi everytime I come home from nursing, parang ang gaan ng feeling na may natulungan,” sambit pa niya.

Dugtong pa niya:”Hindi ko tinitignan ‘yun na trabaho siya, kaya siguro I lasted 28 years in ICU. Pero everytime I help someone, parang ‘yun ‘yung calling ko sa buhay. Like a real person helping one and helping the other. ‘Yun ‘yung feeling ko ru’n.”
Sa music naman daw ay gumagaan ang pakiramdam niya. Mas lalong nagiging positibo ang pananaw niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.