Abante Tonite Interactive

Nicki Minaj kinansela ang concert

365

Kinansela ng U.S. rapper na si Nicki Minaj ang kanyang concert sa Saudi Arabia para mabigyang suporta ang women’s and gay rights.

Napagdesisyunan niyang umatras dahil inulan siya ng batikos noong nakaraang Linggo sa social media sa plano niyang pagdalo sa nasabing festival.

Labis na ikinalungkot ni Minaj ang desisyon niya dahil madidismaya ang marami nitong fans. Pero mas nanaig ang kaha­lagahan ng pagbibigay suporta sa karapatan ng kababaihan, LGBTQ community, at malayang pagpapahayag.

“After careful reflection I have decided to no longer move forward with my scheduled concert at Jeddah World Fest,” pinadalang statement ni Minaj sa The Associated Press.

“While I want nothing more than to bring my show to fans in Saudi Arabia, after better educating myself on the issues, I believe it is important for me to make clear my support for the rights of women, the LGBTQ community and freedom of expression,” dagdag pahayag ng “Starships” singer.

Ang homosexuality ay labis na tinututulan at pinagbabawal sa Saudi Arabia.

Kabilang sa iba pang performers ang dating miyembro ng One Direction na si Liam Payne at ang DJ-producer na si Steve Aoki. Ang Human Rights Foundation ay nagbigay ng statement noong nakaraang linggo na pinakiusapan nila si Minaj at iba pang performers na umatras na nasabing palabas. (Lourdes Fabian)