Abante Tonite Interactive

Nicko ‘wag MO ilihis ang isyu — Kris

ABS-CBN ginagamit

By
0 173

 

Matindi ang laban ni Kris Aquino ngayon, hindi lang sa kaso laban kay Nicko Falcis kundi maging ang laban niya sa kanyang buhay.
Marami ang nakikisawsaw at marami rin ang nauungkat na isyu. Maging ang relasyon ni Kris Aquino sa ABS-CBN ay nabuksan ni Nicko Falcis.
Inamin umano ni Kris ang matinding emosyon na nararamdaman laban sa ABS-CBN. Matatandaan na pormal na umalis sa ABS-CBN si Kris noong September, 2016.
Nakabalik lang siya muli sa Star Cinema nitong Abril, 2018 para sa pelikula niyang “I Love You, Hater”. Ayon mismo sa panayam ng PEP kay Nicko, hindi umano naging maiinit ang pagtanggap ng network sa kanya na labis niyang dinibdib.
Samantala, nilinaw na ni Kris Aquino ang isyu niya tungkol sa dati niyang network. Wala naman umano siyang isyu sa ABS-CBN lalo na at ‘di naman umano ito nagnakaw ng pera sa kaniya.
Aniya, “I can admit to heartbreak that it ended not in the way i wished with ABS. But did ABS CBN ever steal money from me? I am HONEST enough- i earned much, hundreds of millions in my years with ABS-CBN. I am proud, malaki rin ang naakyat kong pera sa ABS-CBN. Kung finances ang pag-uusapan- wala kaming issue.”
Katulad ng pandededma ni Kris Aquino kay Gretchen­ Barretto dahil na rin sa magandang pakikitungo nito sa mga magulang niya at anak niya.
Ganun din tinignan ni Kris ang relasyon niya sa mga pioneer ng ABS-CBN.
Dagdag pa niya, “And nobody can erase history. Sabay nakulong si tito Geny Lopez and my Dad du­ring Martial Law. Kung ano man ang mga issues of misunderstanding, tito manolo & tita maritess lopez loved mom. Their youngest son Mark is now chairman. i said this & i stand by it- when someone did good for my mom, (in this case- SOBRANG LOVE & RESPECT ang binigay ni tito manolo & tita maritess to Mom) i’ll stop my worst impulses- because of my mom & her memory.
“I stated, for my sons & the memory of my parents i can HUMBLE myself. In this instance WAG IDAMAY ang ABS CBN. Wag ilihis ang issue.
From my heart, to Chairman Mark Lopez (most especially his parents) & President/CEO Carlo Katigbak- i apologize nadamay kayo sa gulo. You deserve for me to stand up and give you the high esteem you rightfully deserve.”