Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nico bibida sa MPK

0 42

NI: ROLDAN CASTRO

Bidang-bida na si Nico Antonio sa fresh episode ng GMA weekly drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 24 , 8PM titled “From Russia With Love.The Eric Baylosis/Anna Rabtsun Baylosis Story.”

Tungkol ito sa kuwento ng isang simpleng Pinoy na napaibig ang isang Russian model.

Ang appearance ni Nico sa #MPK ay unang pagkakataon niyang makita sa screen mula sa simula ng kuwento hanggang sa matapos ito.

“Mahirap pala. Not just physically but also mentally and psychologically. Matindi ang pressure and kailangan always on your toes. No room for mistakes,” aniya.

Sa sobrang tuwa, naluha nga raw siya nang mabasa ang script. “First time ever na nangyari sa akin ‘yung ganito. Kaya I am very grateful sa GMA for this opportunity,” rason ng aktor.

Lalabas na wife niya sa kuwento si Max Collins habang si Don Michael Perez ang director ng episode.

Sa ngayon, nasa lock in taping ng isang buwan si Nico para sa isang bagong series na hindi pa niya puwedeng sabihin ang title.

Freelance artist na ngayon si Nico sa ilalim ng management nina Becky at Katrina Aguila pero labis ang kanyang pasasalamat sa Star Magic at ABS-CBN, na naghinang sa kanyang talent bilang aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.