Abante Tonite Interactive

Nietes kikilalanin sa Elorde Awards

182

Pangungunahan ni Donnie ‘Ahas’ Nietes ang apat na boksingero mula sa ALA Boxin­g Promotions na tatanggap ng awards sa taunang Grabiel ‘Flash’ Elorde Memorial Awards Banquet of Champions sa Marso 25 sa Grand Ballroom ng Okada Hotel.

Tatanggapin ni Nietes ang Award of Distinction sa pagsungkit nito ng World Boxing Organization (WBO) super flyweight title noong Disyembre, ang kanyang ikaapat na world division title.

“Nagpapasalamat ako kay Sir Ala (Antonio Aldeguer) at kay Sir Mike (Aldeguer) at sa ALA Promotions na naabot ko ang nais ko na 4th division. Kung wala sila na nag-guide sa aking boxing career, hindi ko makukuha ang award na ito,” sabi ng tubong Murcia, Negros Occidental.

Abante Hiring – IT dep

Nagpasalamat din si Nietes sa pamilya ng Elorde dahil sa pagkilalang kanilang ibibigay sa kanya.

Bukod sa kanya, tatanggap din ng parangal si KJ Cataraja (WBO Youth super flyweight champion), Albert Pagara (WBO Inter-Continenal super bantamweight champion) at si Jeo Santisima (WBO Oriental super bantamweight champion).

“In behalf of ALA Promotions and ALA Gym, we would like to thank the Elorde family for recognizing the boxers’ achievements,” sabi ni ALA Boxing Group president at CEO Michael Aldeguer.