Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nietes nakatuon sa pangarap na laban

0 122

Inamin ni four-division world boxing champion Donnie Liboon ‘Ahas’ Nietes na masaya sa bago niyang napugarang boxing promotion dahil may tsansa na uli siyang makipag-upakan.

“Siyempre masarapsa pakiramdam kasi makakabalik ako ulit sa ibabaw ng ring at hopefully mapagbigyan po nila (MTK Global) na ma-promote yung mga dream fight ko before,” kwento niya sa The Hit List ng Tiebreaker Times Miyerkoles.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nagsara nitong Agosto ang dating promotion ng 38-anyos na Negrense boxer na ALA Boxing dulot na rin ng pandemya. Saka pumasok ang MTK.

“Sila ang lumapit sa akin. Kino-contact nila ako at may mga kaibigan ako sa gym nila sa Dubai na mga naging kasamahan ko din dati sa Cebu. Alam nila na nag-stop ang ALA Boxing Promotion kaya ayun kinokontak nila para sila na ang mag-manage sa akin,” dagdag pa niya.

Isa si Donnie sa iilang Asyano na kumubra ng apat na titulo sa iba’t ibang weight classes sa boksing sa pagsunod kina si Nonito Donaire Jr. at Emmanuel ‘Manny’ Pacqiuiao. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.