Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nietes tindero muna

0 83

Abala sa kanyang maliit na negosyo si former four-division world boxing champion Donnie Nietes lalo pa’t walang boxing ngayong panahon ng pandemiya.

Sa online interview ni sports analyst Dennis Principe nitong Linggo, ibinahagi ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang raket.

“Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,” kuwento ni Nietes. “Nagtitinda ako ng chorizo, kimchi at mga gulay at bigas. Iyan ang pinagkakaabalahan ko during the pandemic.”

Hinirit pa niyang, “Kasi wala akong ginagawa, walang boxing. So naisip kong magka-income ako,” wakas na saad ng dating kasapi nang nagsarang ALA Boxing Promotions. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.