Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nieto alis-bubble; Baldwin natorete

0 363

Mukhang inaalat ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBP) siyam na araw bago ang opening ng 30th International basketball federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2020-21 third and final window sa Clark Freeport sa June 16-20.

Ito’y makaraang bukod kay Sean Dave Ildefonso, labas na rin sa Gilas Pilipinas si Joseph Matthew ‘Matt’ Nieto.

Gaya ng 21-year-old, 6-foot-1 forward na unang sumibat ng bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna sa nakaraang buwan sanhi ng foot injury, tama naman sa kamay ang nangyari kay Nieto upang sumunod sa labas kay Ildefonso.

Dahil dito, hindi na rin makakasama sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers ang 24 na taong-gulang, may taas na 6-1 point guard.

SM food to go Banner Ad

“We lost Matt Nieto to a broken hand and he’ll be out for most of June and probably for July but we hope to have him back by the FIBA Asia Cup,” lahad Linggo ni Gilas program director Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin.

Malaking kawalan ang baller sa Pinoy quintet dahil sa leadership playmaking skill ng veteran inrternationalist.

“Losing Matt created a great leadership void in the team and it’s very difficult to fill,” wakas ni Baldwin. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.