Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nievarez hanep sumagwan

0 26

Agad nagparamdam si 2020+1 Tokyo Olympian Cris Nievarez kasama si Christian Joseph Jasmin nang magposte nang pinakamabilis na tiyempo sa unang pagtawid sa rowing preliminaries men’s lightweight double sculls ng 31st Southeast Asian Games sa Thuy Nguyen Hai Phong Aquatics Center sa Hanoi, Vietnam Lunes.

Nagposte ang PH tandem ng 6:22.18 upang umusad sa susunod na labanan, iniwanan ang host Vietnamese (6:28:01), Indonesia (6:33:96) at Thailand (6:36:75).

Pumangalawa ang grupo nina Joanie Delgaco, Amelyn Pagulayan, Josephine Mireille Qua at Kristine Paraon sa women’s quadruple sculls sa 10:65:00 upang umasad din next round.

Pumangatlo naman sina Edgar Ilas, Roque Abala Jr., Zuriel Sumintac at Joachim De Jesus sa men’s lightweight coxless four sa 6:44:13 minuto.

Walang naitalang oras sina Joanie Delgaco, Kharl Julianne Sha, Feiza Jane Lenton at Alyssa Hannah Marciana Go Chong sa women’s lightweight quadruple Sculls, at sina Amelyn Pagulayan at Kristine Paraon sa women’s pair prelims. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.