Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nievarez hayskul na Olympian

0 206

Nasisilip ng Philippine Rowing Association (PRA) ang tamang direksiyon ng sport sa pangunguna ng nasa high school pa lang, pero isa nang Olympian na si Cris Nievarez na nag-qualified sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa darating na July 23-August 8.

SM food to go Banner Ad

Kumopo ang 21-anyos, isinilang sa Atimonan, Quezon, at nakatakdang magtapos ngayong buwan ng grade 12 sa Commonwealth High School-QC, ng gold medal sa 2019 PH Southeast Asian Games. “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng tumulong. Naka-excuse letter lang po ako at pagkatapos po sa quarantine ko ay aasikasuhin ko po agad ang mga module ko kasi nakatambak na po. Pupuwede ko naman daw po habulin sabi ng mga teacher ko,” ani Nievarez sa online Philippine Sportswriters Associoation Forum Martes. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.