Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nievarez susunod sa tatrangko

0 25

May diskarte na si Cris Nievarez sa kanyang pagsabak sa ginambala ng pandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls Biyernes ng umaga ilang bago pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-9:00 nang gabi sa ‘Pinas).

“Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain it kung kaya hanggang finish line,” lahad Martes ng 21 taong-gulang, 5-11 ang taas at tubong Atimonan, Quezon, ang unang sasabak sa laban sa 19 na pambatong Olympian ng Pilipinas sa Sea Forest Waterway sa Tokyo, Japan.

SM food to go Banner Ad

Nag-qualify ang Pinoy rower via continental pick sa Asia Oceania Qualification Regatta sa Tokyo rin nitong Mayo kung saan pumangsiyam siya. Pero umangat sa pang-apat dahil sa pagpasok na sa quadrennial sportsfest ng fourth-eight placers. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.