Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nigerian hacker galamay mga Pinay

0 63

Hinikayat ni National Bureau of Investigation Cybercrime Division (NBI-CCD) chief Vic Lorenzo ang pamahalaan para pagbawalan ang pagpasok ng mga Nigerian national na humihiling ng student visa, dahil karamihan umano sa mga ito ay miyembro ng cyber heist gang.

“A ban on Nigerian nationals who are here on student visa should be imposed by the government. Based on our surveillance they used their student status as cover for their illegal acts,’’ sabi ni NBI-CCD chief Vic Lorenzo sa Politiko.

Pinaliwanag pa ni Lorenzo na batay sa kanilang pag-aaral, ginagamit umano ng mga Nigerian ang kanilang student status upang linlangin ang mga Pinay upang gamitin sa kanilang mga krimen.

“Apart from criminal acts, they also abused and victimized our women. They make them their lovers, binubuntis and most especially ginagamit nila as unwitting conduits of their illegal activities, that these girls could end up also in jail,” sabi ni Lorenzo.

Hindi umano alam ng mga babaeng ito na ginagamit sila ng Nigerian syndicate bilang front. Nabatid pa na target ng grupo ang mga babaeng mayroong bank account, may trabaho, o maliit na negosyo.

“Mostly the girlfriends had no idea that the money deposited in their bank accounts which is supposedly sent by a relative in Nigeria as monthly allowance of their boyfriend is part of the cyberheist,” ayon pa sa opisyal.

Dagdag nito, “Sila taga-open ng accounts at taga-withdraw. These girls were made to believed that the money that entered their accounts were sent from Nigeria as their allowance. They usually are clueless that the money was part of a bank heist, by the syndicate.”

Ayon pa sa NBI-CCD head, ang mga Nigerian hacker na naaresto kamakailan dahil sa pagnanakaw ng P167 milyon sa United Coconut Planters Bank (UCPB), ay may hawak din na student visa.

“They are organized and well-funded, based on our surveillance kanya-kanya silang alaga na girlfriends,’’ saad pa ni Lorenzo. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.