Abante Tonite Interactive

Nigerian nadiskubreng patay sa alingasaw

288

Wala nang buhay nang madiskubre ang isang Nigerian national sa loob ng inuupahang apartment makaraang makaamoy ng masangsang ang mga kapitbahay mula sa bahay ng dayuhan sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Col. Robin King Sarmiento, hepe ng Parañaque City Police ang Nigerian na si Emmanuel, 25, huling nanirahan sa Greenheights Village, Brgy. San Isidro.

Sa ulat, alas-10:00 ng umaga nang matagpuang wala ng buhay ang dayuhang biktima sa loob ng kanyang apartment.

Ayon sa report, alas-11:00 ng umaga nang i-report ni Aldom, kapitbahay ng biktima sa kanilang detachment commander ang pagkakatagpo sa bangkay ni Emmanuel dahil sa masangsang na amoy.

Puwersahan namang pinasok ng mga awtoridad ang silid hanggang sa matagpuan ang labi nito na may bahid ng dugo sa katawan nito ngunit hindi pa malinaw ang sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District wala silang makitang palatandaang may foul play o pinasok ang biktima dahil maayos naman ang mga gamit nito. (Armida Rico)