Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nigerian nang-headbutt, drayber dedo

0 100

Nasawi ang isang tricycle driver matapos siyang i-headbutt ng isang Nigerian national sa Lucao District, Dagupan City, Pangasinan noong Lunes ng umaga.

Ang suspek ang nakilalang si Emmanuelemeka Endukwe, 31, kasalukuyang nakatira sa Bolosan District ng nasabing siyudad.

Ayon sa Dagupan City Police Station (DCPS), naganap ang insidente bandang alas-8:51 ng umaga sa Lucao District kung saan sa hindi malamang kadahilanan, ang suspek at biktimang si Dennis Razo, 41, ay nagkaroon ng maini­tang pagtatalo.

Sinabi ng DCPS, sa kanilang pagtatalo, bigla umanong hinead­butt ng dayuhan ang ulo ni Razo na nagresulta sa pagkakatumba ng huli at pagkahulog sa isang kanal.

Agad na isinugod si Razo sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ngunit siya ay dead-on-arrival dahil sa serious head injury, ayon sa medical expert.

Naaresto naman si Endukwe at nakakulong ngayon sa DCPS detention cell. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.