Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nigerian nilako P6.8 milyon shabu sa Cavite

0 174

Aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa inarestong Nigerian national sa isang drug deal sa Bacoor City, Cavite.

Hindi na nakapalag si Ifeanyi Chukwu Ukoji, nang posasan ng mga mga awtoridad. Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa parking lot ng isang kilalalng fast food chain sa Molino Boulevard, Brgy. Talaba 4 ng naturang lungsod kung saan target ang suspek.

SM food to go Banner Ad

Nang magpositibo ang transaksiyon, agad na inaresto ang nasabing dayuhan. Nasamsam sa kanya ang isang plastic na may lamang aabot sa mahigit 1 kilo ng shabu.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang dayuhan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.