Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nigerian, Pinay kinalawit sa love scam

0 223

Isang Nigerian at kasabwat nitong Pinay na sangkot sa love scam ang dinakma sa entrapment operation ng mga airport police habang kini-claim ang pera sa isang remittance center sa Baguio City kamakailan.

Nakilala ang mga suspek na sina William John Ani, 29, Nigerian national, at Endera Villajuan Duca, 25, isang Pinay, kapwa taga-Bengao, Marcos Highway, Baguio City.

Kinilala ni Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal ang biktima na si Jocelyn Peraz Digo, 38-anyos at nakatira sa Cavite.

SM food to go Banner Ad

Sa salaysay ng biktima, nagkakilala sila ng Nigerian sa internet at kinaibigan siya hanggang sa nagkaroon sila ng “virtual intimate relationship”. Kalaunan ay pinadalhan niya ng pera ang suspek para sa processing fee ng ipadadala umano nitong package sa kanya.

Subalit nang magtungo sa airport ang biktima para i-claim na ang package ay natuklasan nito na wala naman palang ipinadala sa kanya ang suspek. Dahil dito, nagsumbong ang biktima sa Police Intelligence and Investigation Division ng Airport Police Department.

Sa location tracking, natunton ang claimant at kaagad na ipinaalam sa Baguio City Police ang insidente.

Timbog ang mga suspek habang kinukuha ang pera sa isang center bandang alas-kuwatro ng hapon noong Biyernes, Mayo 21. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.