Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Night market sa Baguio binuksan na

0 43

Mula ngayon, Feb. 24 ay pinapayagan na ng Baguio City Local Government Unit (LGU) na buksan ang “night market” operation sa nasabing siyudad.

Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Baguio City, ang nasabing night market ay magsisimula ng alas-8:00 hanggang alaw 11:30 ng gabi.

Sinabi ng PIO, na hanggang 352 stall lamang ang pinapayagan nilang mag-operate na nagrerepresenta ng 1/3 mula sa original na numero para bigyang daan ang maluwang na espasyo.

Sa 352, ayon sa PIO, 304 na puwesto ay nasa dry goods at 48 dito ang nasa kainan.

“Entry and exit points will be limited and stricter health and safety protocols will be adopted for the business activity considering that the city is still under General Community Quarantine,” pahayag ng
PIO. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.