Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nilabag Bayanihan! Red Cross tumiba sa pandemya — Palasyo

0 61

Inilatag ng Malacañang ang mga batas na magpapatunay na may kapangyarihan ang Commission on Audit (COA) na busisiin ang mga pinagkagastusan at pinaggamitan ng pondo ng Philippine Red Cross.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng mga kuwestiyon kung maaari bang pakialaman ng COA ang isang non-government organization tulad ng PRC.

“May hurisdiksiyon ba ang COA sa Philippine Red Cross? Ang sagot, meron po. Nakasaad sa Article 9 ng ating Saligang Batas na ang COA ay may kapangyarihang magsagawa ng post audit visits sa lahat ng accounts pertaining to expenditure o uses of funds by such non-government entities receiving subsidy or equity directly or indirectly from or through the government,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na nakasaad rin sa charter ng Philippine Red Cross na dapat magsumite ng annual report ang Red Cross sa Presidente ng Pilipinas bilang honorary president tuwing magtapos ang taon ng kanilang mga ginawa at kondisyong pampinansiyal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroon din aniyang COA circular na pinapayagan ang COA na magsagawa ng special audit sa PRC kaya hindi maaaring itanggi ng COA na wala silang kapangyarihan para gawin ito sa PRC.

Ilan sa mga maaaring tingnan ng COA ay ang RT-PCR testing ng PRC; MOA ng PRC sa Metro Manila Mayors para sa mass covid-19 testing; MOA ng PRC sa PhilHealth kung saan nakatanggap ito ng P100 million bilang advance payment sa mobilization through interim reimbursement mechanism.

Sinabi ni Roque na malinaw sa PRC charter na hindi maaaring kumita habang ginagampan nito ang kanyang mandato, at ang advance payment clause sa MOA ay klarong paglabag sa PRC charter at Bayanihan to Heal as One Act kung saan ang pinapayagan lamang ay reimbursement sa distribution of goods and services. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.