Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UAAP star player nilantad baby EJ ‘Minolestiya’ child actor

0 120

Ilang taon ding itinago ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ’ Laure ang pagkakaroon ng anak sa bata ng limang taong dyowa na si Kapamilya actor/dancer na si Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño Jr.

Binulabog nila ang ‘Pinas lalo na ang social media nitong Huwebes ng gabi nang mag-tweet ang 18-anyos na artista ng `Happy birthday to me’ na may kalakip na picture ni EJ at anak nilang si Scarlet.

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!”

Taong 2018 nang maging talk of the town sina Bugoy at EJ nang mapabalitang binuntis ng 15-anyos pa lang noong child star ang 20-anyos namang team captain ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Itinanggi ng dalawa ang chismax kaya natahimik ang social media at giniit pa noon ng 23-year-old, 5-foot-9 outside/open hitter, na ang pagliban sa kampanya ng España-based squad ay sanhi ng isang injury.

Pero nang ilabas na mismo ng magdyowa ang ebidensya marami ang nagulantang.

Dati ring national youth team member si Laure. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.