Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nilamog ka-live in, aktor kalaboso

0 672

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang actor na si “Matt Evans” o Matthew Evans Nicolas, sa tunay na buhay nang isilbi ang warrant of arrest kaugnay sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” na may kaugnayan sa kasong isinampa ng kanyang dating live-in partner na si Johnelline Hickins.

Ayon sa Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), alas-11:30 ng umaga nitong Biyernes nang arestuhin ang aktor sa kanyang bahay sa Lacson Avenue, sa Sampaloc, Maynila ng grupo nina P/Executive Master Sgt. Manuel Aceveda, P/SMS Rem Sychangco, P/MSG June Ricohermoso at P/SSG Albert Acevedo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) , Branch 12, Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan (case no. RPSG 20-00830 CR) sa paglabag sa RA 9262 .

Inirekomenda ng korte ang piyansang P36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Evans.

Si Evans ay nasa kustodiya ngayon ng WSS habang hindi pa nakakapaglagak ng piyansa.

Nabatid na ang aktor na kasal sa negosyanteng si Riza Katrina Evans, ay nagsimulang makilala sa TV reality show na Pinoy Big Brother at naging actor.

Bida rin ito sa teleserye na “Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman”, at “Rosalka”.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.