Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nilasing na dalagita, pinapak ng 3 katoma

0 619

Arestado ang isang construction worker at dalawa nitong kainuman nang halinhinang gahasain ang isang 14-anyos na dalagita na kanilang kasama sa inuman nang malasing ang biktima bago gawing pulutan ng mga suspek sa Barangay Muzon, San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Jelan Sucgan y Proton, 30, construction worker at binatilyong 16 at 17-anyos na nasa kustodiya ngayon ng pulisya makaraang reypin ang biktimang itinago sa pangalang Nene, 14-anyos, pawing taga-Barangay Muzon.

Sa report ni P/Lt. Col.Gil.Domingo, SJDM City police chief, naganap ang gang rape Martes ng gabi makaraang ayain si Nene ng tatlong suspek na mag-inuman sa bahay ni Sucgan.

Nang malasing ang dalagita, binuhat ito ng mga suspek sa higaan at matapos hubaran ay halinhinang

ni-rape.

Nang matauhan ang biktima, agad itong nagpasaklolo sa barangay tanod na ikinaaresto ng tatlo. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.