Abante Tonite Interactive

Nilundagan ng palaka

205

Dear Dream Catcher

Napanaginip ko po ang isang palaka na kulay green at brown bigla na lamang tumalon sa akin. Sa sobrang gulat ko at dahil na rin sa takot ko ay ang taas din daw ng talon ko. Naramdaman ko po ang malamig na katawan ng ­palaka na dahil sumayad ito sa may legs ko. Doon na po ako nagising at ­paggising ko ay parang kinikila­butan pa ako at parang nandidiri.
Sophia

Dear Sophia

Ang palaka kapag baby pa ay sa tubig lamang nakatira at ­nabubuhay bilang isang tadpole. Bumibilang ilang linggo hanggang ilang ­buwan bago maging ­palaka ay isang ­tadpole. Kaya naman ang ­panaginip tungkol sa palaka ay sumisimbolo sa isang pagbabago.

Related Posts

Ang palaka ay ikinokonek din sa mga unpredictable o ­hindi ­inaasahang pangyayari at mga pagbabago sa buhay. Maaaring ­sabihing negatibo ang iyong napanaginip dahil tinalunan ka ng isang ­palaka at hindi ka naging komportable sa nangyari. Naramdaman mo ring nandiri ka sa paglapat ng balat ng palaka sa iyong legs.

Pag-aralan kung sa iyong mga kaibigan o mga taong nasa paligid mo ay merong isang nagte-take advantage o nagsasamantala sa iyong kabutihan. Piliin mo lamang kung sino ang mga taong dapat pagtiwalaan at payagang makalapit sa iyon. Sino sa mga taong nasa pali­gid mo ang meron kang pakiramdam na hindi ka komportable, posibleng ito ang nirerepresenta ng hindi magandang feeling na naramdaman mo nang madikitan ka ng palaka.

Puwede rin na ang iyong pana­ginip ay tungkol lamang sa isang malaking pagbabago na kailangan mangyari pero tumututol ang isip mo dahil pakiramdam mo’y hindi ka pa handa sa pagbabagong ito.

Kung ang iyong panaginip ay paalala ng iyong subconscious, meron ka pang panahon para ­ayusin ang anumang sitwasyong nakakagulo sa iyong isip. Magpakatatag at alalahaning ikaw pa rin ang tunay na may hawak sa kontrol ng iyong buhay.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.