Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nilustay P200K sa online sabong: Cashier pinakulong ng amo

0 87

Nagwakas ang pagkalulong umano sa online sabong ng isang Chinese cashier matapos siyang ipakulong ng kanyang amo dahil sa naipatalo niyang P200,000 na kita ng karinderya nito sa Pasay City.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Pan Jian Hong, 34-anyos, cashier sa Jasonguy Eatery na matatagpuan sa San Juan St., Brgy. 8, Zone 2, Pasay.

Ayon sa imbestigasyon, nabisto ang pagkakadispalko ni Hong sa kita ng karinderya nang sorpresang mag-imbentaryo at mag-audit ang amo niyang si James Ariel Cuevas Lim, 28, bandang alas-6:45 ng gabi noong Martes.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Lim na nagtataka siya na madalas umanong kulang ang iniintrega ni Hong na kita sa benta ng mga pagkain kaya hindi niya ipinaalam dito ang ginawa niyang imbentaryo at auditing.

Nang komprontahin niya si Hong, agad naman umano itong umamin na naitaya nito ang nawawalang pera sa online sabong pero natalo ito.

Sinabi ni Hong na nais lang umano niyang makabawi kaya nadispalko niya ang kita ng karinderya. Dahil dito, hindi nag-atubili si Lim na ipakulong ang tauhan at kasuhan. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.