Abante Tonite Interactive

Nimes, Pasig-SLR tinumba ang Cebu

0 183

Mga laro ngayon:
4:00 pm – Imus vs Bacolod
6:30 pm – Mindoro vs Binan
8:30 pm – SOCCSKSARGEN vs Batangas

Apat na bataan ni coach Segundo dela Cruz ang mga bumakbak ng 10 points above sa pangunguna ni best player Josan Nimes upang tabunan ng Pasig Sta. Lucia Realtors ang Cebu Sharks Casino Ethyl Alcohol, 78-68, sa 3rd MPBL Lakan Lakan Cup 2019 elims Miyerkoles nang gabi sa Strike Sports Complex-Bacoor.

Nagbaon si Nimes ng 20 points, 5 rebounds at 3 assists sa likod ng 21 markers at 10 boards ni team skipper Jeric Allen Tang para sa third stright ng Pasiguenos at 9-3 overall record upang kapitan ang Group A fourth spot.

Kontrolado ng SLR ang game kung saan lumamang ng 17 points sa third period, 50-33, mula sa 3-point shot ni Robbie Manalang bago pinagpag ang karibal tapos dumikit sa lima na lang sa final quarter, 64-69.

Si William McAloney ang nagsikap sa Cebuanos sa pagtubog ng 20 pts. at 12 rebs., pero kapos pa rin sa semplang sa ikatlong deretso para sa 5-8 at paakbayin ang Bacolod Master Sardines sa ika-11 puwesto.

Ang iskor:

Pasig 78 – Teng 21, Nimes 20, Mendoza 11, Manalang 10, Serrano 5, Belasco 5, Tamayo 4, Adriano 2, Ballon 0, Velchez 0, Bautista 0, Medina 0, Canon 0, Grealy 0, Chavenia 0.

Cebu 68 – Mcaloney 20, Lao 12, Octobre 12, Viloria 10, Cabahug 6, Dinolan 4, Villafranca 2, Cenita 2, Nunez 0, Cortes 0, Lee Yu 0, Coronel 0, Pamulaklakin 0, Ubalde 0, Villaver 0. (Aivan Denzel Episcope)