Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nina, Kyla, Sitti, Jaya pinaglaruan sa pandemya

0 553

Dahil nga desperately looking for good news ang dabarkads at madlang pipol, naging malikot ang kanilang mga imahinasyon kaya kung ano-ano na lang ang kanilang pinaglalaruan.

Ang latest happy biktima nga ay ang mga one named singer na sina Nina, Kyla, Sitti at Jaya. Tinatanong ng mga netizen na nagpauso nito kung ano ang kanilang apelyido and siyempre pa the wittier the last name na inimbento, the better.

Ang tunay na pangalan ni Nina ay Marifil Nina Giraldo-Enriquez. Matapos paglaruan, ang naging pangalan at apelyido niya ay Nina Natuto, Nina Smile, Nina Dance, at ang pinakabenta sa diva that you love ay ang Tanging Nina Niyong Lahat.

Si Kyla naman, na Melanie Calumpad-Alvarez, naging Kyla Lang, Kyla Ngan Ko’y Ikaw, Kyla Mo Wala Pero Meron, Meron, Meron at ang pinaka shala siempre, Kyla Jenner.

Ang mga paglalaro naman para kay Maria Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc na mas kilala bilang Jaya, ang ilang halimbawa, Jaya Jaya Puto Maya, Jaya Papaya, Jaya Ry Ng Pangit at Jaya Tabs.

Si Sitti Katrina Navarro-Ramirez, naging Sitti After Dark, Daisy Sitti, Star Sitti, Sitti Ngayong Pasko at Sitti, ang Munting Prinsepe.

Ang daming time ng mga matataba ang utak, huh!

Alam naman natin kung ang kanilang respective titles, Soul Siren si Nina, R & B Princess si Kyla, Bossa Nova Queen si Sitti at Queen of Soul si Jaya.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kung ano-ano ang mga ikinabit na apelyido sa kanilang unang pangalan, dapat alam niyo my dear TONITE readers dahil talagang kwela at magpapangiti sa inyo.

Siyanga pala, anong mga kanta nina Nina, Kyla, Sitti at Jaya ang naging anthem niyo o ang nakakapagpa-LSS?

Migo panalo ang pasilip

May malulungkot ba ngayong si Migo Adecer ay bumalik na sa kanyang bansang sinilangan at iniwan pansamantala ang kanyang karera bilang artista?

Hindi puwedeng the WHO si Adecer lalong-lalo na sa mga bumagsak ang panga at natulala matapos ang isang happy accident. No! Hindi ito iyong aksidenteng kinasangkutan niya dati.

Dahil nga kailangan ang old photo ni Migo para sa show na kanyang kinabibilangan, naglambing sa binatang artista kung maari siyang magbigay.

Mapagbigay naman siyempre si Migo kaya hanap kete hanap ito sa file photos niyang stored sa kanyang mobile phone. At dahil hanap kete hanap, accidentally bumulaga sa cellphone nito ang pambihira at kagila-gilalas na palo-palo! Your guess is tama of course! May penis photo ang binata sa kanyang phone at sa may eagle eyes na nakapaligid sa kanya, hindi nakapagpigil at sabay-sabay napatili ang mga hitad na tiyak nabasa, agad-agad! Hahahaha!

Kahit si Migo ay nabigla sa tilihan pero hindi nito itinanggi na ang sa kanya nga ay si Mr. Big. Hay naku! Wala bang kopya ang larawan na iyan? Baka sakaling kung nag-circulate iyan sa social media, tiyak mas sikat na sikat pa siyang lalo dahil nga sa kanyang gifted asset. Kung ano man ang kakulangan niya, madaling mapapatawad dahil nga sa taglay niyang isa, dalawa, may sasampalin ka pa, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.