Abante Tonite Interactive

Ninakawan kami! — Guiao

By
987

Mga Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Alaska vs. Columbian Dyip
7 pm – Meralco vs. NLEX

Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo, dumulas sa NLEX ang manipis na 98-97 talo sa Rain or Shine.

Dismayado si coach Yeng Guiao sa mga non-calls sa fourth quarter na nagresulta sa pagkabalaho ng kanyang Road Warriors sa 0-2 sa PBA Commissioner’s Cup.

Ninakawan daw sila ng panalo hindi ng Elasto Painters kundi ng ­refe­rees.

“It’s another one of those games where the refs robbed you of a victory,” ani Guiao. “We’ll have to check with the commissioner on what they think about those calls.”

Ipinupunto ng coach ang hindi pinituhang goaltending kay RoS guard/forward Gabe Norwood sa kaagahan ng final period, ang foul ni NLEX import Arnett Moultrie kay counterpart Reggie Johnson na nagbigay sa Painters ng lead, at sa hindi pinituhang foul ni Chris Tiu kay Road Warriors guard Juami Tiongson sa final seconds.

Pasado si Moultrie sa kanyang unang laro matapos palitan si Adrian Forbes. Sa kanyang debut, nagsumite ang original import na dating Philadelphia Sixer ng 27 points at 17 rebounds, bagama’t may five turnovers.