Abante Tonite Interactive

Ninang sa kasal

255

Dear Dream Catcher,

Napanaginip ko po ang ninang ko sa kasal. ­Medyo close po ako sa kanya at namatay siya may tatlong taon na ang nakakaraan. Sa panaginip ko, palapit siya sa akin, maaliwalas ang mukha at parang may gusto siyang sabihin. May hawak po siyang ­prutas na mukhang ponkan. Doon na po natapos ang ­panaginip ko.

Cheska

Dear Cheska,

Ang iyong panaginip ay indikasyon na ­posibleng nangangailangan ka ng guidance o gabay sa ­aktuwal na buhay. Ang isang ninang ay representasyon ng isang taong maaaring makapagbigay sa iyo ng suporta.

Aralin mo kung meron kang pinagdaraanan. Kung sa aktuwal na buhay ay nasa isang sitwasyon ka kung saan kailangan mo ng paggabay o ng payo ng isang nakatatanda.

Sinabi mong noong nabubuhay pa ang iyong ninang sa kasal ay close kayo.

Dito mo ­mahahanap ang koneksyon ng iyong panaginip sa aktuwal mong sitwasyon sa buhay. Ano ba ang naging papel sa iyo ng ninang mo noong buhay pa siya? Kung siya ay ­naging tagapayo mo o naging takbuhan mo sa ­tuwing ­nangangailangan ka ng suporta, maaari mong ­maaaring kailangan mo ng tulad niya.

Alam mong patay na ang ninang mo pero ang iyong subconscious ay posibleng naghahanap ng ­tulad niya na maaaring makapagbigay ng ­hinahanap mong paggabay.

Una mong pagtuunan ng atensyon ang iyong married life. Ang iyong panaginip ay tungkol sa iyong ninang sa kasal, hindi kaya meron kang pinagdaraanang sitwasyon na may kinalaman sa ­takbo ng relasyon mo at ng iyong asawa?

Kung maayos ang iyong buhay-may-asawa, saang parte ng buhay mo nangangailangan ng tagapayo?

Kung wala ka namang maisip na sitwasyon at maayos ang buong buhay mo ngayon at sa mga nagdaang araw o buwan, posibleng nami-miss mo lamang ang iyong ninang. Posible rin namang may isang sitwasyon na nakapagpaalala sa kanya.

Wala namang negatibong indikasyon ang iyong panaginip dahil ang prutas na nakita mong ibibigay sa iyo ng ninang mo ay sumisimbolo sa blessing kaya ito ay isang positibong panaginip.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM ­CATCHER ay nagbibigay lamang ng general ­information tungkol sa mga kahulugan ng ating ­panaginip. Wala itong kinalaman sa ­relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na ­aspeto ng buhay. Sa mga gustong ­isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.