Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ninenok na mountain bike naaktuhang hinihila

0 45

ARESTADO ang isang lalaki nang maaktuhang tinatangay ang isang makaparadang mountain bike na nagkakahalang P15,000 sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor Custudial Center si Ricardo Handog Jr. alyas Eric, 31, ng Bacoor City Cavite dahil sa reklamo ni Venancio Adane, 58, may-ari ng mountain bike.

Sa ulat ni PSSgt Edison Fetalcurin, ng Bacoor City Police Station, ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang iparada ng biktima ang mountain bike nito sa may 098 Barangay Mambog 4 at pumunta sa isang kamag-anak sa lugar.

Tiyempo namang nagro-roving ang mga guwardiya ng Vista Vede at napansin ang suspek sa kakaiba nitong kilos habang hila-hila ang bisikleta. Nang imbesigahan ay inaming hindi ito sa kanya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.