Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ninobla palaban sa taekwondo

0 85

Sisikaping makapag-uwi ng mga miyembro ng Philippine Taekwondo Association (PTA)-Philippine Sports Commission (PSC) national taekwondo team, sa pangunguna ni Jocel Lyn Ninobla ng mga karangalan sa 1st Online World Taekwondo Poomsae Championships 2020 sa Nobyembre 15.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ay matapos ihayag ng World Taekwondo (WT) ang pagdaraos ng bukas sa lahat ng mga kasaping bansa sa nasabing kompetisyon. Nagkaroon ng virtually event nang makansela ang 2020 World Championships sa Denmark dahil sa lockdown na dulot ng coronavirus disease 2019.

Tanging mga elite athlete lang ang makakasali kung natuloy ang event sa Herning noong Mayo, Naging open na sa lahat ang virtual competition. Si Ninola ay 2019 PH Southeast Asian games gold medal winner. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.