Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ninobla wagi sa poomsae

0 189

Ipinamalas muli nina national team mainstays Jocel Lyn Ninobla at Rodolfo Reyes Jr. ang mga angking husay nang dominahin ang kanilang mga dibisyon sa ginanap nitong linggo na 2020 Philippine Taekwondo Association (PTA) Online National Inter-School Poomsae Championships.

Kinakatawan ang University of Santo Tomas, nakamedalyang ginto sa SEA Games at Online Daedo, nagtagumpay si Ninobla sa Senior Female Blackbelt category sa kabuuang iskor na 8.233.

Ikalawa ang SEAG silver at Asian Games bronze medalist na si Rinna Babanto at ikatlo ang UAAP Poomsae MVP na si Angelica Gaw ng De La Salle University sa 8.000 na mga iskor. Ang isa pang tanso ay napunta kay Aidaine Laxa ng USTdin na may 7.767 points.

Ang SEA Games champion na si Reyes, mula rin sa UST, ang nanalo sa Senior Male Blackbelt division, sa 8.333 markers. Sina Patrick King Perez at Raphael Enrico Mella ang mga naka pilak at tanso sa 8.133, habang si FEU jin Mark Lorenz Balcita ang isa pang nakatanso sa 7.767 puntos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.