Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ninong pinasaya mga liyamadista

0 153

HINDI binigo ng kabayong si Ninong ang mga liyamadista matapos nitong sikwatin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System Race kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walang nagawa si Ninong sa matutulin sa largahan na sina Chinito at Aida’s Pet kaya naman minabuti ng hinete nitong si class A rider John Alvin Guce na manood na lamang ng bakbakan sa unahan.

Lutsahan sa unahan sina Chinto at Aida’s Pet, lamang sila ng pitong kabayo sa nasa terserong si Golden Sunrise habang pang-apat ang top favorite na Ninong.

Pagsapit ng home turn, nasa pangatlong puwesto na si Ninong habang nasa unahan na si Aida’s Pet sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Nirehistro ni Ninong ang 1:20 minuto sa 1,300-meter race sapat upang ibulsa ng may-ari nito ang added prize na P5,000.

Dumating na segundo si Golden Sunrise habang tersero at pang-apat sina kapangyarihan at Aida’s pet, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.