Abante Tonite Interactive

Ninoy, Cory nawawala sa P500 bill

1,967

Matapos kumalat­ at mag-viral ang ang ‘faceless’ na P100 bills, lumaba­s sa social media na nawawala rin ang mukha nina dating Senador Benigno ‘Noynoy’ Aquino at late President Corazon ‘Cory’ Aquino sa P500 bill na galing sa automated teller machine (ATM).

Ayon sa report ng GMA 24-Oras, isang nakilalang Robin Villapando ang nag-withdraw umano ng suweldo sa ATM noong Setyembre subalit hindi niya napansin na wala ang mukha ni Cory at Ninoy sa P500 bill hanggang sa mapansin na lang ito ng kanyang asawa.

Wala din uman­o ang pangalan at signature ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni dating Bangko­ Sentral ng Pilipinas­ (BSP) Governor Amando Tetangco­ Jr.

Samantala, nawawala si dating­ President Sergio ­Osmeña sa P50 bill na ipinakita ni Yoo­Scooper Ozius Dahc.