Abante Tonite Interactive

Niraraket ang mga ampon

584

Ako pala si Gracia, taga-Valenzuela City, sa hindi mas­yadong bahaing barangay. Ayan may clue na ako.

Ang tsika ko sa inyo ay ang kapitbahay kong akala mo ay yayamanin. Sinabi kong yayamanin paano naman kasi halos araw-araw yata may party sa bahay nila.

Kaya ang akala ng mga kapitbahay naming ay talagang richy sila. Pero malaking no!

Asa rin lang naman sila sa mga kasamahan nila sa bahay. Ang tinutukoy kung kasamahan sa bahay ay ang mga bagets na babae’t, lalaki na basta na lamang nila kinupkop.

Sa nasagap kong tsismis. Mga istokwa daw ang ilan sa mga ito. Sinabi kong ilan dahil madami sila. Kinakalinga sila ng mabait kong kapitbahay para ikalakal sila. Ganoon ang kuwento ng aking kapitbahay.

Hindi ko lang alam kong cyber sex pero feeling ko sa mga club sila kinakalakal.

Kapag paldo ang mga ampon ayon tipong may pa-party si kapitbahay dahil inuman at kainan to the max ang drama nila.

‘Yun lang po ang tsika ko at salamat.

Gracia