Abante Tonite Interactive

Nireto ni Glaiza iniwan ni Angelica

960

NI: Archie Liao

Marami ang nag-react sa ipinost ng Kapamilya actress na larawan kasama ang isang lalake sa kanyang socmed account na may kasama pang caption na “At the top…nakaka-miss! ”

Suspetsa tuloy ng ilang netizens may bagong lovelife na ang actress . Ito’y pagkatapos ng kontrobersyal na pagwawarla niya sa kinahinatnan ng kanilang naudlot na balikan ni Carlo Aquino.

Hirit naman ng iba, ang guy daw na nasa pic ang bagong inspirasyon ng actress. Ito raw ang foreigner na inireto ng kanyang kaibigang si Glaiza de Castro.

Pagtutuwid naman ng ilan, ito raw ang nakatrabaho ni Angge sa shoot ng kanilang naudlot na Summer MMFF movie na Love or Money na kapareha si Coco Martin.

Ang naturang photo ay kuha sa Barj Khalifa. Ito ang pinakamataas na gusali top tourist attraction sa Dubai.

Tonite – Wendys Inhouse Ad