Abante Tonite Interactive

Nireto ni Piolo magpapakasal na

682

Engaged na si Alex Gonzaga sa kanyang businessman-politician fiancé na si Mikee Morada. Inanunsyo ito ng aktres on her 32nd birthday last January 16.

Bukod sa kanilang pamilya, masayang-masaya ang malalapit na kaibigan nina Alex at Mikee para sa dalawa. Last October 31 ay sini-celebrate ng dalawa ang kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.

Sina Alex at Mikee ay nagkakilala sa pamamagitan ng kanilang common friend na si Piolo Pascual. Tiyak na may special participation si Papa P sa wedding ng dalawa na maaaring mangyari sa loob ng taong ito.

Kay Piolo humingi ng tulong si Mikee na makilala si Alex na matagal na niyang crush. Naging effective naman ang pagiging kupido nito.

Hindi pa nahihingan ng pahayag si Piolo sa kanyang reaction sa engagement nina Alex at Mikee pero siguradong tuwang-tuwa ito para sa dalawa.

Maraming taga-showbiz at mga kaibigan ni Alex ang agad nagpaabot ng kanilang pagbati sa dalawa sa pangunguna ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola. Sumunod na kaya ang dalawa?

Samantala, masaya rin ang nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni sa engagement ng kanyang younger sister na kinu-consider din niyang best friend.

JC chef ang asawa

Tinanong namin si JC Santos kung dumating ba ang time na na-attract ito sa kanyang perennial screen partner na si Bela Padilla? Agad namang inayunan ni JC. Pero hindi nito sinagot kung bakit hindi nito niligawan ang actress-writer.

May asawa na siya ngayon. Ito’y dating schoolmate niya sa Pampanga at isang chef, na ang pangalan ay Shyleena Herrera.

Hindi ikinakaila pareho nina Bela at JC na sobra na umano silang komportable sa isa’t isa having worked together sa tatlong pelikula na silang dalawa ang mga pangunahing bida. Nauna na rito ang “100 Tula Para Kay Stella”. Sinundan ito ng “The Day After Valentine’s”.

Magkasama rin ang dalawa sa No. 1 movie sa nagtapos na Metro Manila Film Festival (MMFF), ang “Miracle In Cell No. 7” na pinangunahan ni Aga Muhlach pero hindi sila nagkaroon ng eksena.

Ayon kay JC, sa kanilang ikatlong pairing, ang “Of Vodka, Beers and Regrets,” marami pa rin silang discoveries sa isa’t isa pagdating sa kanilang respective acting.