Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Niretoke raw sa ilong: Heart type idemanda ang doktor

0 650

NI:VINIA VIVAR

Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang isang netizen na nag-tweet na kilala niya ang doktor na nagretoke ng ilong ng aktres.

Ang eksaktong tweet ng netizen ay ito: “The dr who did heart evangelista’s nose is going to do mine. I am so EXCITED.”

Kahit hindi naka-tag si Heart ay nakita niya agad ang tweet at sinagot niya.

“Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you . Please give me the name . You can actually sue him for lying to you,” ang sagot ni Heart.

Nag-tweet pa ulit ang aktres at hinamon ang lahat na kung sinuman ang magki-claim na niretoke ang ilong niya ay sabihin sa kanya ang mga pangalan.

“To anyone who claimed the same to you pls message me their names. This is horribly wrong . To lie to you about this is just so so wrong,” ang tweet pa ni Heart.

Muli ay inulit niya na huwag maniwala sa mga magsasabing nagpa-cosmetic surgery siya pero in the future ay hindi naman daw niya inaalis ang posibilidad na magpagawa.

“To anyone out there who wishes to get cosmetic surgery- I am for making yourself a better version but DO NOT BELIEVE if they said they did my face etc – for the record I didn’t .when I’m older and di na kaya tiisin I don’t mind doing some procedures and I will refer who is good,” ani Heart.

Tila natakot ang netizen at kaagad na binura ang kanyang tweet at humingi ng paumanhin.

“Hi! He’s not the one who said it, but some of his patients are saying that he did your nose (some are in rhinoplasty groups on Facebook). Sorry for not confirming the information before tweeting this, but I guess it’s just a hearsay and the doctor didn’t say it himself,” ang depensa ng netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.